Quantcast
Channel: Mga Luto ni Dennis at Iba pa..
Viewing all 136 articles
Browse latest View live

HAINANESE CHICKEN

$
0
0

 Tinatawag na pambansang ulam sa Singapore itong Hainanese Chicken.   Hindi daw maku-kumpleto ang byahe mo dun kung hindi ka makaka-kain nito.   Sinasabing sa probinsya ng Hainan sa China nagmula ang dish na ito na nadala nga sa Singapore.

Sumisikat na din dito sa atin sa Pilipinas ang dish na ito.   May mga restaurant na nga na ito ang kanilang specialty.   Hindi din ito mawawala sa mga Chinese restaurant.

May kamahalan kung sa mga restaurant na ito tayo bibili o kakain ng chicken na ito.   Bakit hindi na lang tayo gumawa o magluto sa bahay gayong napaka-dali naman itong lutuin.   Try nyo po...madali lang talaga.



HAINANESE CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (about 1.5 kgs)
1 pc. Large White Onion (sliced)
2 thumb size Ginger (cut into sticks)
3 stems of Leeks
2 tbsp.  Sesame Oil
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Freshly Crack Black Pepper
For the sauce:
1/2 cup Hoisin Sauce
1 tbps. Grated Ginger
1/2 cup Sesame Oil
1/2 cup Chili Garlic Sauce

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang loob at labas ng manok.   Kiskisan ng asin ang katawan at loob na bahagi ng manok.   Hayaan ng ilang minuto.
2.   Pasukan ng  leeks, luya at sibuyas ang loob ng manok.
3.   Sa isang kaserola pakuluan ang tubig na may luya, sibuyas, leeks, asin at paminta.   Pakuluin ng mga 5 minuto
4.   Ilagay na ang manok at hayaang maluto sa loob ng 20 minuto.
5.   Kapag malapit nang hanguin ang manok, maglagay ng yelo sa isang palanggana o kaserolang may tubig.
6.  Ilubog dito ang hinango na manok para mag-stop ang pagluto nito.
7.   I-drain at hiwain sa nais na laki gamit ang matalim na kutsilyo.
8.   I-drizzel pa ng kaunting sesame oil
9.  For the sauce:  paghaluin ang grated ginger at sesame oil.   Tiplahan ng kaunting asin

Ihain kasama ang mga sauce na nabanggit sa itaas.

Enjoy!!!!




ADOBONG BUTO-BUTO

$
0
0
Masarap na i-adobo ang pork ribs o yung mga buto-buto ng baboy.   Nandun kasi yung masarap na lasa ng baboy.    Sa lugar nga ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, ganito ang adobo na niluluto nila.   Masarap naman talaga ang adobo nila kaya naman naisipan kog magluto din ng kagaya nito sa amin nitong nakaraang araw.

Masarap talaga.   Paniguradong mapaparami ka ng kanin kapag ganito ang ulam mo.   Hehehehe



ADOBONG BUTO-BUTO

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Ribs or Buto-Buto
1 cup Cane Vinegar
1 cup Soy Sauce
2 heads Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
1 tsp. Freshly Crack Pepper
1 tsp. Worcestershire Sauce
2 pcs. Large Potatoes (cut into cubes)
3 tbsp. Cooking
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap or 1 tbsp. Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sunod na igisa naman ang sibuyas.
3.   Ilagay na di agad ang pork ribs o buto-buto at timplahan ng suka, toyo, worcestershire sauce at pamintang durog.   Takpan at hayaang maluto.   Maaaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa hanggat lumambot ang karne.
4.   Kung malapit nang lumambot ang laman ng buto-buto, ilagay na ang patatas at timplahan ng maggie magic sarap o asukal.
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang tinustang bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

$
0
0

Dahil sa init na ng panahon ngayon, napa-aga ang outing namin ng aking mga ka-trabaho.   Sa Nasugbu sa Batangas kami pumunta at overnight kami doon.

Ni-request nila na magluto ulit ako nitong Fish Fillet na niluto ko din nung nakaraang Christmas party namin.   Nagustuhan nila ito at eto nga nga magluto daw ulit ako.

Madali lang naman talagang lutuin ang fish fillet na ito.   Basta ang importante lang dito ay ihain agad pagkatapos itong maluto.    Kapag nagtagal kasi ay lumalambot at hindi na ganun kasarap kainin.

Nakakatuwa nga kasi habang niluluto ko ito panay kulit ng aking mga kasamahan na patikim daw....hehehe.  



CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory Fillet (hiwain ng pahaba sa nais na laki)
1 pcs. Lemon
1 cup Cornstarch
2 pcs. Fresh Eggs
1 cup All Purpose Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
Cooking Oil for Frying
For the Dip:
1 cup Lady's Choice Mayonaise
1/2 cup Banana or tomato Catsup
1 tsp. Bagoong Alamang

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl timplahanng katas ng lemon, paminta at maggie magic sarap ang fish fillet.   Hayaan ng mga 30 minuto.
2.   Ihalo ang binating itlog, harina at cornstarch.   Haluing mabuti pa ma-coat ng batter ang bawat piraso ng fish fillet.
3.   I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For the dip:  Paghaluin lamang ang mga sangkap.   Tikman at i-adjust ang lasa

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

PORK SINIGANG with a TWIST

$
0
0

Ang sinigang marahil ang itinuturing na pambansang ulam na may sabaw dito sa atin sa Pilipinas.   At ang maganda sa sinigang kahit ano ay pwede mong isahog kagayan ng isda, baboy, baka o kahit manok man.   At syempre sa pang-asim naman marami din ang pwedeng gamitin.   Nandyan ang pangkaraniwan na sampalok.  Yung iba naman kamyas o calamansi.   Meron din na gumagamit ng mangga o kaya naman ay santol.   At marami pang iba.

Maging sa pamamaraan ng pagluluto ay marami din.   Ako pangkaraniwan ay pinapakuluan ko muna yung karne kung matagal itong lutuin saka ko inilalagay ang pang-asim.   Or kung isda naman ay inuuna kong pakuluana ang pang-asim bago ko ilagay ang isda.   Meron din naman na ginigisa muna nila yung sibuyas, bawang at kamatis kapag nagsisigang sila.

At sa bersyon ng pork sinigang na ito na natutunan ko sa aming helper na si Haydee, sinasangkutsa o pinagmantika muna ang karne ng baboy saka iginisa.   Masarap naman ang kinalabasan.  Malasa ang sabaw at malambot ang karne.   Try nyo din po.


PORK SINIGANG with a TWIST

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (yung may buto na kasama)
1 sachet Sinigang Mix
Sitaw
Talbos ng Kangkong
Okra
Siling Pang-sigang
2 pcs. Kamatis (sliced)
1 pc. large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kaserola (heavy bottom), ilagay ang karne ng baboy na may kaunting asin at tubig.   Takpan at hayaang magmantika ang karne.   Halu-haluin para hindi manikit ang karne sa bottom ng kaserola.
2.   Igisa sa sariling mantika ang bawang, sibuyas at kamatis.   Halu-haluin.
3.   Lagyan ng tubig depende sa nais na dami ng sabaw.  Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sitaw, okra at siling pang-sigang.
5.   Huling ilagay ang sinigang mix at ang kangkong.
6.   Tikman ang sabaw bago timplahan pa ng asin o patis.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!


YELLOW FIN TUNA ESCABECHE

$
0
0

Lunes Santo na po at marahil marami sa atin ang nangingilin na sa pagkain ng karne.   Kaya hayaan nyo akong ibahagi itong fish dish na ito na pwede nyong ihain nitong mga Mahal na Araw na ito.

Pwede din kayong gumamit ng ibang klase ng isda kagaya ng tilapia, galunggong o hasa at maging bangus ay pwede din.   Much better na yung hindi matinik na isda ang gamitin para ma-enjoy mo yung lasa ng sauce.



YELLOW PIN TUNA ESCABECHE

Mga Sangkap:
1 kilo Yellow Fin Tuna (sliced)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. Red Bell Pepper (cut into strips
1 pc. Carrots (cut into strips)
1 pc. Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Sesame Oil
Cooking Oil for Frying
Salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng Yellow Pin Tuna.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-prito ito sa mainit na mantika hanggang mag-brown ang magkabilang sides.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
4.   Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
5.   Isunod na agad ang carrots at red bell pepper.
6.   Timplahan ng toyo at brown sugar.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.  Maaaring lagyan ng 1/2 cup na tubig.
8.   Huling ilagay ang sesame oil.
9.   Ibuhos ang ginawang sauce sa piniritong isda.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


MGA MAHAL NA ARAW 2016

$
0
0

Nawa'y maging makabuluhan ang mga Mahal na Araw na ito para sa ating lahat.  Katulad ng ginawa ni Hesus sa halamanan ng Getsemani, mag-alay din tayo ng panahon sa pananalangin at pagninilay sa ating mga nagawa at sa ating buhay.

Nakikiisa po ako sa pag-alaala sa paghihirap at sakrispisyong ginanawa ng ating Panginoong si Hesus sa Kalbaryo.   Nawa hindi ito mawalan na kabulahan sa ating lahat.

AMEN

MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY po sa INYONG LAHAT!!!!

$
0
0





MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY po sa INYONG LAHAT!!!!

Nawa ang araw na ito ay magdulot sa atin ng saya at panibagong pag-asa sa buhay.   AMEN

CHEESY BABY POTATOES with HOTDOGS, BACON and MUSHROOM

$
0
0

Paborito ng aming pamilya itong Baby Potatoes o marbled potatoes na may bacon at cheesy na sauce.   Alam ko na basta bumili ng baby potatoes ang aking asawang si Jolly, ganitong luto ang gusto niya na mangyari.

Kaso nitong huling luto ko ng dish na ito, kakaunti lang ang bacon na natira sa fridge.   Parang bitin naman kung ito lang ang isasahog ko.   Buti na lang at may jumbo hotdogs pa na natira at naisip kong ito na lang ang idagdag sa potato dish na ito.

Ayos naman.   Nagustuhan din ito ng aking mga anak.   And for sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya.   Tamang-tama ito na pang-almusal o side dish sa inyong regular na panghalian o dinner man.   Try nyo din po.



CHEESY BABY POTATOES with HOTDOGS, BACON and MUSHROOM

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna)
1 tetra brick All Purpose Cream or 1 small can Evaporated milk
4 tbsp. Cheese Wiz
250 grams Bacon (chopped)
250 grams Hotdogs (sliced)
1 cup Grated Cheese
1 cup Sliced Mushroom
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1/2 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilaga ang baby potatoes sa isang kaserola na may tubig at asin.   Huwag i-overscooked.   I-drain.
2.   Sa isang kawali o kserola, i-prito ang bacon hanggang sa ma-toast ng bahagya.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na igisa ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na ang hotdogs at sliced mushroom.  Hayaang maluto.   halu-haluin.
5.  Ilagay na ang all purpose cream o evaporated milk at ang cheese wiz at timplahan ng kaunting asin at paminta.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo na ang nilagang baby potatoes.   Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat oiraso ng baby potatoes.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bacon at grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


SHRIMP with CHILI GARLIC and SALTED EGGS SAUCE

$
0
0

Mahilig akong manood ng mga cooking show sa TV.   Marami kasi akong natututunan pa sa pagluluto at nakakakuha din ako ng mga bagong putahe.   Isa sa mga paborito kong cooking show ay itong Kusina Master ni Che Boy Logro.

One time may na-feature silang dish na hipon na nilagyan ng pula ng salted egg o itlog na pula ang sauce.   May napanood at nabasa na din ako na gumamit nito.   Yung isa nga sa crabs naman ginawan ng sauce.

At nitong nakabili nga ng hipon ang aking asawang si Jolly bago mag-Holy week, naisipan kong gawin ang sauce na ito na may itlog na pula.   At para may kick ng konti, nilagyan ko din ito ng chili-garlic sauce.   At wag ka, sauce pa lang ay ulam na sa dish na ito.   Try nyo din po.


SHRIMP with CHILI GARLIC and SALTED EGGS SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Medium to large size Shrimp
5 pcs. Salted Eggs o Itlog na Pula (kailangan lang yung pula ng itlog)
1 tsp. Chili-garlic Sauce
1 tsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
2 pcs. Red and Green Chilis
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawan at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin.
2.   Sunod na ilagay ang dinurog na pula ng itlog na maalat, chili-garlic sauce at 1/2 cup na tubig.   Halu-haluin at hayaang kumulo.
3.   Timplahan ng kaunting asin, paminta at brown sugar.
4.   Ilagay na ang hipon at halu-haluin para ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng hipon.   Takpan at hayaang maluto ang hipon.
5.   Tikman sang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang red at green chilis.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

PANCIT LOMI GUISADO

$
0
0
Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas.   Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi.   Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles.

Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit.   Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles.   Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles.


PANCIT LOMI GUISADO

Mga Sangkap:
1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles)
1/2 kilo Pork Belly
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
100 grams Baguio Beans (sliced)
1 pc. Carrot (cut into strips)
Pechay Baguio or Repolyo (sliced)
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilaga ang pork belly sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin hanggang sa lumambot.   I-drain ang pork belly at itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2.   Hugasang mabuti ang lomi noodles.   I-drain.   Set aside
3.   Kung malamig na ang nilagang pork belly, hiwain ito ng pa-cubes sa nais na laki.
4.   Sa isang kawali na medyo malaki, i-brown ang hiniwang pork belly sa mantika.
5.   Itabi lang sa side ng kawali ang pork belly at igisa namang ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
6.   Ilagay ang sabaw na pinaglagaan (about 3 cups) kasama na din ang Baguio beans at carrots.   Hayaang kumulo.
7.   Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic sarap ayon sa inyong panlasa.
8.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
9.   Ilagay na ang lomi noodles at halu-haluin.
10.   Huling ilagay ang Pechay Baguio o repolyo kasama ang sesame oil.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo.

Enjoy!!!




HICKORY PAN-GRILLED PORK BELLY

$
0
0
Here's another summer cooking tip na pwede nyong gawin ngayon napaka-init ng panahon.  Kaunti  lang kasi ang preparasyon at hindi mo na kailangan pang magpa-init ng baga para lang makatikim o makakain ka ng inihaw na liempo.   Although, mas masarap pa rin talaga ang ihaw sa baga, okay na okay din ito version na isa-suggest ko sa inyo. 


HICKORY PAN-GRILLED PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque marinade Mix
1 cup Sprite Soda
1 head Minced Garlic
1 tsp. Freshly Ground Black pepper
Salt to taste
Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork belly sa Clara Ole Hickory Barbeque marinade mix, Sprite Soda, minced Garlic, kaunting asin at dinurog na paminta ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.  I-pan-grilled ito sa isang non-stick na kawali na may kaunting mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto ang magkabilang sides.

Ihain habang mainit pa na may kasamang toyo na may calamansi.

Enjoy!!!

CLASSIC CRISPY PATA

$
0
0

CLASSIC CRISPY  PATA

Ilang buwan na ding sira ang aming turbo broiler...na miss ko tuloy ang mga paborito kong lutuin dito kagaya ng roasted chicken at itong crispy pata.   Kaya eto balik sa original o classic na paraan ng pagluluto ng crispy pata ang aking ginawa.   Well, mas masarap naman talaga yung original o classic kumpara sa luto sa turbo o pugon.   At syempre nasa timpla pa din ang sekreto para sa isang masarap na crispy pata.

Narito ang ilan sa mga tips para sa isang masarap na crispy pata:
1.   Dapat batang pata ng baboy ang gagamitin.   Malalaman ito sa kapal ng balat ng pata.
2.   Pakuluan ang pata sa kaserolang may maraming asin, bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo.
3.   Huwag i-overcooked din ang paglalaga ng pata dahil ipi-prito pa ito.   Yung tama lang ang lambot dapat.
4.   Pagkatapos palamigin ang nilagang pata, hiwaan ang paligid nito na sagad hanggang buto.
5.   Budburan ng asin ang paligid at ilagay sa isang plastic ang ilagay sa freezer ng overnight.   Sa pamamagitan ng prosesong ito, hindi mapuputok-putok ang pata habang pini-prito.
6.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa pumula at lumutong ang balat.

Ihain na may kasamang sawsawan na suka na may calamansi, toyo, sili at sibuyas.   Lagyan din ng kaunting asukal at asin.

Enjoy!!!!

MACAPUNO PANDAN with KAONG

$
0
0
Nitong nakaraang Linggo naisipan kong gumawa ng dessert o panghimagas.   Tamang-tama dahil may isang garapon ng pure minatamis na macapuno sa aming cabinet na nabili ng aking asawang si Jolly.

Unang kita ko pa lang sa macapuno na ito, ito na agad macapuno pandan ang aking naisip na gawin.   At para madagdagan pa ang sarap at texture sa bibig, sinamahan ko pa ito ng mintamis na kaong.  Yung nasa bote na nabibili lang sa supermarket ang ginamit ko.

Also, ang ginamit ko palang gulaman dito ay yung bagong produkto ng Mr. Gulaman.   Yung may kasama nang pandan essence.   Okay ito dahil malalasahan mo talaga yung lasa ng pandan leaves.

Dalawang version ang ginawa ko sa dessert na ito.   Ito nga yung una at abangan nyo pa yung isa.   Masarap po ito as compare sa paborito na nating Buco Pandan.   Try nyo din po.


MACAPUNO PANDAN with KAONG

Mga Sangkap:
4 cups Ready to eat Pure Macapuno
2 sachet Mr. Gulaman (Green with pandan essence)
250 grams White Sugar
1 small jar Sweet Kaong
1 tetra brick All Purpose Cream

Paraan ng paghahanda:
1.   Tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 na tasang tubig.
2.   Isalang ito sa apoy at hayaang kumulo.   Kapag kumulo na ilagay na ang white sugar at pandan essence.
3.   Isalin sa isang tray o square na hulmahan at palamigin.
4.   Kapag lumamig na at na-set ang gulaman, hiwain ito ng pa-cubes sa nais na laki.
5.   Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang gulaman, minatamis na macapuno, kaong kasama ang syrup nito, at all purpose cream.   Haluing mabuti.
6.   Palamigin muna bago i-serve.

Enjoy!!!!!

MELON PANDAN

$
0
0

Sa bahay lang ang aking mga anak most of the time ngayong bakasyon.    Bukod sa panonood ng tv, pagkain ang madalas nilang pagka-abalahan.    Kaya naman nag-doble talaga ang gastos namin sa pagkain ngayon.  Okay lang naman.  Sa init ng panahon ngayon, mas mainam pa na mag-stay na lang sa bahay.

Kaya naman doble effort di ako sa mga pagkaing aking niluluto para sa kanila.   Ofcourse yung madadali lang lutuin para hindi parusa sa init ng kalan.   Also, napapadalas din na gumawa ako ng dessert para sa kanila.    At komo usong-uso ngayon ang pakwan at melon, naisipan kong gumawa nitong Melon Pandan.   For sure magugustuhan ito ng inyong mga anak.


MELON PANDAN

Mga Sangkap:
1 pc. Melon (cut into bite size cubes)
2 sachet Mr. Gulaman (Green Pandan Flavor)
1 cup White Sugar
1 can Condensed Milk

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 cups na tubig.   Haluing mabuti.
2.   Isalang ito sa apoy hanggang sa kumulo.  Patuloy na haluin para hindi mag-buobuo.
3.   Ilagay ang asukal at patuly na haluin.
4.   Isalin sa isang tray o square na hulmahan at palamigin.
5.   Kung malamig na, hiwain ito ng pa-cubes na klasing laki ng hinwang melon.
6.   Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang gulaman, melon at condensed milk.
7.   Palamigin muna bago i-serve.


Enjoy!!!!


CRISPY FRIED CHICKEN with HONEY-BUTTER GLAZE

$
0
0

My kids loves fried chicken kaya naman hindi ito mawawala sa menu madalas.    Pero para hindi sila mag-sawa (na malayo namang mangyari...hehehe)   nilalagyan ko ng twist o flavor ang aking nilulutong fried chicken.   Basta ang ginagawa ko lang ay tinatanong ko sila sa mga flavor na pwede kong gawin.

Kagaya nitong dish natin for today.   Tinanong ko sila kung gusto yung medyo spicy na glaze o yung medyo manamis-namis.   Yung manamis-namis ang napili nila kaya eto na po ang kinalabasan.

Simple lang ang glaze na ito.   Dalawang sangkap lang ang kailangan at ayos na.   Try nyo din po.


CRISPY FRIED CHICKEN with HONEY-BUTTER GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Chicken (Legs, wings, thigh parts)
2 cups Cornstarch
1 tbsp. Garlic Powder
Salt and pepper to taste
1 cup Pure HoneyBee
3/4 cup Melted Butter
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ang manok ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.   Mas matagal mas mainam.
2.   Ilagay ang manok sa isang zip block o plastic bag kasama ng cornstarch at garlic powder.   Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat na piraso ng manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maging golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
4.   For the glaze, ilagay ang butter at honey bee sa isang kawali at pakuluan.   Halu-haluin
5.   Kapag medyo malapot na, ilagay ang piniritong manok at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng manok.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!







CHICKEN PORK ADOBO

$
0
0

Paborito sa aming tahanan ang adobo.   Sabagay, saan bang tahanan ang paborito ito.   Ito na marahil ang pambansang ulam natin mga Pilipino.   hehehehe.

Madalas, adobong baboy o adobong manok ang niluluto ko.   Hindi ko ito pinagsasama.   Pero komo nga nasa bahay lang ang aking mga anak dahil bakasyon sa eskwela, dinadagdagan ko ang ulam kumpara sa dati kong inihahanda.   Kaya this time pinaghalo ko ang manok at baboy sa adobo na pangkaraniwan naman ginagawa ng marami sa atin.

Take note lang na unahin lutuin ang baboy komo mas mataga itong lumambot kesa sa manok.   Kapag kasi pinagsabay nyo ang luto, baka madutog ang manok e hindi pa malambot ang baboy.

For sure magugustuhan ito ng inyong pamilya.   At mas masarap ito kung kinabukasn nyo na ito kakainin.   hehehehe,.


CHICKEN PORK ADOBO

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken (cut into serving pieces)
1 kilo Pork Liempo (cut into serving pieces)
1 cup Soy Sauce
1 cup Cane Vinegar
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 tbsp. Brown Sugar
2 heads Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 tsp. Freshly Crack Balck pepper
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin ang hiniwang manok at baboy.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ng bahagya hanggang sa medyo mag-brown ang  manok at baboy.   Hanguin sa isang lalagayan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Ilagay ang piniritong baboy at isabay na din ang suka, toyo, paminta at dahon ng laurel.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.
5.  Kung malapit nang lumambot ang baboy, maaari nang ilagay ang manok at brown sugar.  halu-haluin.   Takpan muli at hayaang maluto naman ang manok.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!




PINALABUAN

$
0
0

Ang Pinalabuan ay isang pork dish na maihahalintulad sa dinuguan o tinumis na tawag naman namin sa Bulacan.   Halos parehong-pareho lang siya ng dinuguan,  Ang napansin ko lang na pagkakaiba ay medyo masabaw itong pinalabuan. 

Last Sunday, dapat sana ay lechong kawali ang aming ulam para sa aming pananghalian.   Ewan ko ba kung bakit nung namamalengke na ako ay naisip kong magluto nitong pinalabuan.

So pagdating na pakadating ko sa bahay inihanda ko na ang pagluluto nito bago kami makapag-simba.   Habang niluluto ko ito, naisip ko ang turo sa akin ng aking mother in law na si Inay Elo.   Sa kanya ko nakuha ang tamang pagluluto nito at yung teknik para hindi makulta ang dugo na inlalagay.  Medyo nalungkot lang ako dahil may sakit noon.   At sa ilang beses na nagluto ako nito, ngayon ko lang ata nakuha yung perfect na lasa ng pinalabuan.   Kahit ang asawa kong si Jolly ay napansin ito.  


PINALABUAN

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Belly (cut into small cubes)
8 cups Pork Blood (durugin yung mga buo-buong parte)
2 pcs. Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
2 cups Cane Vinegar
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
5 pcs. Siling Pang-sigang
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Isunod na agad ang hiniwang pork belly. Halu-haluin at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa ang karne.
3.   Ilagay ang cane vinegar at takpan muli.   Huwag hahaluin para hindi mahilaw ang suka.
4.   Lagyan ng mga 3 tasang tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinkailangan.
5.   Kung malambot na ang karne lagyan ng malamig na tubig at saka ilagay ang dugo ng baboy.
6.   Ilagay na din ang siling pang-sigang at Maggie Magic Sarap.
7.   Pagkalagay ng dugo patuloy na haluin ito para hindi makulta ang dugo o magbuo-buo.
8.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!





MEATY LUMPIANG TOGE

$
0
0

Pahirapan pakainin ng gulay ang aking mga anak lalo na ang anak kong si James.   Mag-uulam siya ng sabaw pero pahirapan talaga sa gulay lalo na yung madadahon na gulay.   Pero laking pagtataka ko na gusto daw niya nung lumpiang toge.   Siguro nakakabili o nakakakain siya nito sa school kaya nagustuhan niya.

Kaya naman nitong nakaraang Linggo naisipan kong magluto nitong Lumpiang Toge para sa aking mga anak at para matigil na din ang pagke-crave ko dito.

Simple lang ang version kong ito.   Kung tutuusin nga mas ma-karne pa nga ito kumpara dun sa mga nabibili natin sa labas na puro talaga toge at iba pang gulay.   Mas makarne ginawa ko para hinay-hinay lang at hindi sila mabigla sa gulay.

Okay naman ang kinalabasan.   Nagustuhan nila ito.   Si James nga yun lang ang ini-ulam at hindi na tumikim pa ng iba pang ulam.    Hehehehe


MEATY LUMPIANG TOGE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Toge or Bean Sprout
1/2 kilo Ground Pork
1 pc. Large Carrot (cut into strips)
2 pcs. Sweet Potato or Camote (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
1/2 cup Oyster Sauce
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Lumpia Wrapper
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o non-stick pan igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Isunod na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3.   Sunod na ilagay ang hiniwang carrots at camote.    Maaaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
4.   Sunod na ilagay ang Oyster sauce at brown sugar.   Halu-haluin.
5.   Kung luto na ang carrots at camote, maaari na itong hanguin at i-drain para mawala ang sabaw na mayroon ito.   Palamigin.
6.   Balutin ang nilutong toge at karne sa lumpia wrapper sa nais na laki.
7.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay nito.
8.  Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain na may kasamang suka na may bawang, asin at sili.

Enjoy!!!!!





CHICKEN BROCCOLI

$
0
0

Nitong huli kong pamimili sa SM Supermarket sa may Sta. Mesa, may nakita akong magandang cut ng chicken thigh fillet.   Maganda kasi nakasama pa yung skin nito at medyo malalaki ang piraso.  Although sabihin na natin na hindi healthy yung balat ng manok pero kung paminsan-minsan naman ay okay lang siguro.   Yung balat kasi ng manok ang nagbibigay ng extra flavor at moist sa manok.

Nung makita ko nga ang mga chicken thigh fillet na ito, isang dish lang ang naisip kong gawin.   At ito na ngang Chicken Broccoli.   Masarap ito.  For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya.


CHICKEN BROCOLLI

Mga Sangkap:
3/4 kilo Chicken Thigh Fillet
1/2 kilo Broccoli (cut into bite size pieces)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch (dissolved 1/2 cup water)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng chicken thigh fillet.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-brown ng bahagya ang magkabilang side ng chicken fillet.   Hanguin sa isang lalagyan..palamigin....at hiwain ng pahaba sa nais na laki.
3.   Sa parehong kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
4.   Sunod na ilagay ang hiniwang na-brown na chicken fillet at timplahan ng toyo, oyster sauce at brown sugar.   Halu-haluin.   Maaring lagyan ng kaunting tubig (mga 1/2 cup)   Hayaang maluto ng mga 2 minuto.
5.   Sunod na ilagay ang broccoli.   Takpan at hayaang maluto ito.   Huwag i-overcooked
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

 Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!



IGADO - An Ilocano Dish

$
0
0

Ang Igado ay isang sikat Ilocano dish na maihahalintulad mo sa adobo o menudo.   Hindi ko alam ang ibig sabihin ng igado pero isa lang ang masasabi ko sa dish na ito.   Masarap.

Masasabi kong para siyang adobo dahil may sangkap din itong suka at toyo.   Yun lang may kasama din itong carrots, red bell pepper at green peas.   Para din siyang menudo pero ang pagkakaiba lang nito ay wala itong tomato sauce at ang hiwa ng mga sangkap ay pahaba.

Dapat sana Batchoy Tagalog ang gagawin kong luto sa pork lomo at atay na ito na nabili ko nitong huli kong pamamalengke.   Nabago lang ang una kong plano nang maisip ko na tinolang manok pala ang gagawin ko namang luto sa manok.   E halos pareho lang ang sangkap at pagluto sa batchoy talagalog at tinola.  Parehong may luya at papaya o sayote.

Kaya eto, isang masarap na Ilocano dish para sa inyong lahat.


IGADO - An Ilocano Dish

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Lomo
1/2 kilo Pork Liver
1 pc. Carrot
1 pc. large Potato
1 pc. large Red Bell Pepper
2 cups Green Peas
1/2 cup Cane Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Ground Black Pepper
3 tbsp. Cooking Oil
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain ang karne at mga gulay ng pahaba sa nais na laki.
2.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Isunod na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4.   Ilagay ang toyo at suka at saka takpan.   Maaaring lagyan ng tubig (1 cup) kung gusto nyo na medyo ma-sauce ang inyong igado.
5.   Kung luto na ang karne pwede nyo nang ilagay ang atay ng baboy at lahat ng gulay.   Halu-haluin at takpan muli para maluto.
6.   Ilagay na ang green peas at timplahan ng Maggie Magic Sarap.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Viewing all 136 articles
Browse latest View live